The Logic of the Heart and the Mind

Here’s something that I found while cleaning up my room.  Nothing original, must have paraphrased stuff from the books and handouts.

I remember my favorite philo teacher asking on the first day of class, "Why aren’t philo subjects offered to freshmen? Why does it have to be on your junior year?" It is because a freshman or sophomore, in general, wouldn’t have enough experience to make sense of those philosophical stuff or the phenomenology of things or whatever.  It does make more sense now than it did before. Beware: sleep inducing.  Excerpts from something I must have written 5 to 6 years ago in preparation for a philo oral exam:

Thesis statement:

Itinuturo ng damdamin ang pagpapahalaga, subalit hindi ito ang halaga mismo.  May lohika ang puso na iba sa lohika ng katwiran, bagaman hindi ito labag sa katwiran.  Nagbubunga ng kapayapaan ang solidaridad ng mga pagpapahalaga.

Mahigpit ang ugnayan ng damdamin at pagpapahalaga.  Mahirap unawain ang damdamin dahil malikot ang kilos nito.  Ngunit sa pamamagitan ng pang-uunawa sa kaayusan ng mga pagpapahalagang itinuturo ng damdamin ay mauunawaan rin ang damdamin at pagpapahalaga.  Tinuturo lamang ng damdamin ang pagpapahalaga kung kaya sa pagsusuri ng damdamin, higit na dapat na bigyang pansin ang pagpapahalaga kaysa sa damdamin mismo.  Halimabawa:  Kamay na tumuturo sa buwan.  May katumbas na pagpapahalaga ang damdamin.  Kung may damdamin para sa isang bagay, masasabing may halaga ito sa isang tao.  Sa damdamin unang naranasan ng tao ang pagpapahalaga.  Halimbawa:  Katuwaan - pagpapahalaga sa aliw; maluwalhati - pagpapahalaga sa kabanalan, panghihina - pagpapahalaga sa biyolohiko.

May sariling katwiran ang damdamin, ayon kay Scheler.  Di tulad kay Kant na nagsasabihing ang damdamin ay isang magulong larangan ng mga inklinasyon,, ang damdamin para kay Scheler ay naaantas sa isang kaayusan.  Hindi naman nangangahulugang itinatakwil na ang lohika ng katwiran.  Kinakailangan ito upang mapaglinaw ang sinusuri.  Kung nais matuklasan ang larangan ng mga papapahalaga, sundan ang damdamin.  Kung nais patunayan ang mga halaga, gamitin ang isip.

Napapakiramdamang mabuti sa pangangapa sa damdamin, tulad ng isang musikero.  Ngunit hindi ito laging tama.  May mapangwasak - ressentiment, at mapaglikha na katangian ito - pagpapakumbaba at solidaridad. 

Magbubunga ng kapayapaan ang solidaridad dahil nagiging bukas ang isang tao sa pagpapahalaga ng iba at lumalawak ang buhay solidaridad.  Ang solidaridad ay pakikibahagi sa larangan ng pagpapahalaga ng iba.  Ipinagdiriwang, yumayaman, dahil sa halagang umiiral sa daigdig. 

So did I just bore you to death?  Ang pagkabagot marahil ay tumuturo sa pagpapahalaga sa aliw. Haha :)  Anong halaga ang itinuturo ng kagustuhang mag- blog?  Pagpapahalaga sa pamamahagi ng mga ideya o ng bahagi ng aking sarili sa mga kaibigan.  O kahit naman walang magbasa, maganda rin namang balikan ang mga sinulat ko dito para sa aking sarili.  Maaari rin namang ang pagbloblog ko ay pagpapahalaga sa walang hanggan, na lagpasan ang sarili - kahit na mamatay ako ay nandito pa rin ang blog ko, kung hindi mag sasara ang Friendster. 

Ay ewan.

3 Responses to “The Logic of the Heart and the Mind”

  1. Walt Says:

    zzzzzzzzzzzzzzzzzzz…..

  2. John Square Says:

    astig… :)

  3. Aileen Says:

    hi john! saw on friendster it’s your birthday pala - happy birthday! thanks for reading :)

Leave a Reply